- Home
- Cancer Support in Your Language
- Cancer Support In Filipino
Mahirap ang kanser, pero hindi dapat maging mahirap ang pagkuha ng suporta.
Ang Canteen, Camp Quality at Redkite ay nagtutulungan upang magbigay ng Cancer Hub at tulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng kanser (na may mga anak na may edad na 0-25) na mas madaling maka-access sa kailangan nilang praktikal at emosyonal na suporta, kapag kailangan nila ito.
Kailangan mo ba ng suporta? Tumawag sa 1800 431 312 at hilinging makipag-usap sa isang interpreter – tutulungan ka naming makakuha ng kailangan mong suporta.
Ang Cancer Hub ay tumatanggap ng pondo mula sa Pamahalaan ng Australya.
Mga Madalas Itanong
Tinutulungan ng Cancer Hub ang mga pamilyang naaapektuhan ng kanser (na may mga anak na nasa edad 0-25) na mas madaling maka-access sa kailangan nilang praktikal at emosyonal na suporta. Ang Cancer Hub ay inihahatid ng Canteen, Camp Quality at Redkite. Sa pamamagitan ng Intake at Navigation Team, maaaring maiugnay ang mga pamilya sa malawak na hanay ng mga suportang serbisyo na inihahatid ng mga Charity Partner at ng mas malawak na network ng mga organisasyon.
Kapag nakipag-ugnayan ka sa amin, ang mga miyembro ng aming kwalipikadong pangkat ang mag-aasikaso sa iba pa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga pangangailangan ng bawat miyembro ng pamiya at tutulungan silang ma-access ang mga pinakamahusay na opsyon sa suporta. Ang aming mga taga-navigate ng kanser ay iuugnay ka sa karagdagang suportang personal gaya ng pagpapayong may kaugnayan sa kanser, pag-navigate ng mga suportang serbisyong pampinansyal, praktikal at panlipunan o ginagawang madali ang pakikipag-ugnayan sa mga kaedad at mga programang panlibangan sa pamamagitan ng tatlong katuwang na charity. Iuugnay ka ng Cancer Hub sa mga ekspertong tagapayo kasama ang pangkomunidad na suporta sa online upang makatulong sa pamamahala ng mga hamon na lumalabas kasama ng diyagnosis ng kanser. Mayroon din kaming nakatalagang mga tungkulin sa Cancer Hub para sa Aborihinal at Torres Strait Islander upang makabuo ng matatag at may paggalang na mga network ng suporta sa mga gumagamit ng serbisyo ng Aborihinal at Torres Strait Islander.
Ang Cancer Hub ay binuo upang gawing mas madali ang buhay ng libo-libong Australyano na dumaranas ng paghihirap. Bagama’t maraming suporta ang makukuha ng mga pamilya, nakakalito kung minsan o maraming oras ang nasasayang para lang malaman ng mga pamilya ang mga uri ng suporta na maaari nilang makuha. Dito pumapasok ang Cancer Hub.
Ang mga serbisyong tulong na pang-emosyonal at praktikal na iniaalok ng Cancer Hub ay para sa mga pamilyang naaapektuhan ng kanser na may mga anak o kabataan na may edad na 0-25.
Hindi lamang ang taong may kanser ang naaapektuhan nito, naaapektuhan din nito ang bawat miyembro ng pamilya. Ito ang dahilan kung bakit ang mga serbisyong iniaalok ng Cancer Hub ay umaabot hanggang sa lahat ng miyembro ng pamilya.
Walang gagastusin may kaugnayan sa pag-access sa Cancer Hub.
Layon ng Cancer Hub na tiyaking ang paghanap ng suporta ay hindi karagdagang pabigat para sa mga pamilya na kumakaharap na sa mga paghamon ng diyagnosis ng kanser. Ang mga libreng suportang serbisyo sa kanser ng Cancer Hub ay nagawang posible ng Canteen, Camp Quality, at Redkite na nagtutulungan bilang bahagi ng Child and Youth Cancer Alliance (Alyansa ng Bata at Kabataang may Kanser) at salamat sa pondong galing sa Pamahalaan ng Australya.
Oo, ang mga serbisyo ng Cancer Hub ay maa-access sa online at available sa kabuuan ng Australya.
Hindi dapat kayaning mag-isa ng mga pamilya ang paghamon ng kanser, kaya lahat ng pamilyang may mga anak na wala pang 25 taong gulang ay makaka-access sa Cancer Hub. Ang aming kwalipikadong pangkat ay aktibong tutulong sa mga pamilyang naaapektuhan ng kanser na maka-access sa anumang suportang serbisyong emosyonal o praktikal na kailangan nila.
Siyempre naman! Alam namin ang mga partikular na hamong kinakaharap ng mga pamilyang nasa mga rural at remote na lokasyon, at ang aming kwalipikadong pangkat ay isasaalang-alang ang mga bukod-tanging pangangailangang ito kapag nagbibigay ng pag-access sa mga mapagkukunan at serbisyo. Makipag-ugnayan sa amin at kami na ang mag-aasikaso sa iba pa.
Madali lang makipag-ugnayan sa Cancer Hub. May ilang paraan ng pakikipag-usap sa amin, depende kung ano ang gagana para sa iyo:
- Tawagan ang aming kwalipikadong pangkat para sa suporta sa kanser sa 1800 431 312 at humiling ng isang interpreter.
- Pumili ng oras at petsa sa pamamagitan ng online booking system para makatanggap ng tawag mula sa isa sa aming mga kwalipikadong miyembro ng pangkat sa oras na angkop sa iyo.
- Mag-iwan ng iyong mga detalye (o ng mga detalye ng tao na para sa kanya ang itatanong mo) sa pamamagitan ng form na nasa Cancer Hub website. Pagkatapos mong isumite ang form, isang miyembro ng aming pansuportang pangkat ang tatawag sa iyo sa loob ng 48 oras para matalakay ninyo ang mga opsyon.
Sinuman ay makakagawa ng referral, maging ito man ay para sa kanyang sarili, sa kaibigan, o sa kapamilya. May ilang iba’t ibang paraan kung paano ka maaaring makipag-ugnayan, na makikita mo dito. Ang mga propesyonal sa kalusugan at serbisyo ay makakapag-refer din ng mga pasyente, kliyente at estudyante.
Oo. Ang Cancer Hub ay nangangakong poprotektahan ang pagkapribado at pagiging kumpidensyal ng ibibigay mong personal na impormasyon. May mahigpit kaming mga protocol na umiiral upang tiyaking ang iyong impormasyon ay pangangasiwaan nang ligtas, propesyonal at alinsunod sa mga batas at regulasyon ng pagkapribado sa Australya.
Kapag nagbigay ka ng personal na impormasyon sa Cancer Hub, gamit man ang aming mga online form o sa pakikipag-usap sa aming pangkat sa telepono, gagamitin lamang namin ang impormasyon para mabigyan ka ng mga suporta at serbisyong iyong hiniling. Ang iyong personal na impormasyon ay hindi ibabahagi sa mga ikatlong partido nang walang pahintulot mo, alinsunod sa batas.
Iba-iba ang epekto ng kanser sa bawat isa. Narito ang Cancer Hub upang tulungan ang mga pamilya na mas madaling maka-access sa suporta – sa online man o sa personal.
Kinikilala namin na ang mga pangangailangan ng indibidwal, mga kahilingan sa pag-access, at antas ng ginhawa ay nagkakaiba-iba sa bawat tao, kung minsan maski sa mismong pamilyang iyon. Kaya, sa sandaling makipag-ugnayan sa Cancer Hub, ang aming tanging sinanay na pangkat ang mag-aasikaso sa iba pa. Matutukoy nila ang mga bukod-tanging pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya at matutulungan sila sa pag-access sa pinakaangkop na mga suportang makukuha.
Personal na Suporta
Ang mga serbisyo ng personal na suporta ay maaaring pagpapayo nang personal, mga pang-edukasyong workshop, mga kaganapan, mga book club na sumasaklaw sa lahat ng mga paksa tungkol sa kanser, at mga panlibangang aktibidad para sa mga pasyenteng may kanser at sa kanilang mga pamilya kung saan ang mga taong may magkakatulad na karanasan ay maaaring magkita-kita upang tumanggap ng suporta, sumali sa mga aktibidad na therapeutic, at bumuo ng mga koneksyon.
Online na suporta
Madaling makaka-access ang mga pamilya sa virtual na mga suportang serbisyo sa kanser mula sa kaginhawahan ng sarili nilang tahanan. Kabilang dito ang pagpapayo, mga pangkomunidad na suporta sa kanser sa online na iniakma para sa kabataan at mga mapagkukunan tungkol sa kanser sa online. Ang online na suporta ay maaaring lalong kapaki-pakinabang para sa mga pamilyang nasa mga malalayong lugar o para sa mga pamilyang mas gusto ang pleksibilidad at naa-access na ugnayang virtual.
Lahat ng mga suportang serbisyo sa kanser na ito at higit pa ay makukuha sa pamamagitan ng isang tawag lamang sa telepono – basta’t makipag-ugnayan at gagawin namin ang iba pa.
Kapag may isang tao sa isang pamilya na nadiyagnos na may kanser, nauunawaan namin na ang bawat miyembro ng pamilya ay magkakaroon ng iba’t ibang pangangailangang emosyonal, praktikal, at pang-impormasyon. Lahat ng mga magulang, kapatid, kapareha, at mga anak ay may kanya-kanyang natatanging mga pangangailangan, emosyon at karanasan. Ang aming mga taga-navigate ng kanser ay tutulong sa bawat miyembro ng pamilya na maka-access sa natatanging suporta na kailangan nila.
Maging ito man ay ang pagtulong sa mga magulang sa pag-navigate sa mga kumplikasyon ng paggamot sa kanser o pananalapi, pagbibigay ng emosyonal na suporta sa mga kapatid, o pag-aalok ng mga pang-edukasyong materyales upang maunawaan ng mga bata ang kanser at ang epekto nito, ang aming pangkat ay nakatuon sa pagtiyak na ang buong pamilya ay tumatanggap ng atensyon at suportang kailangan nila.
Sinusuportahan ng Canteen ang mga kabataan (may edad na 12-25) na kumakaharap sa sarili nilang diyagnosis, kanser ng isang malapit na kapamilya, o pagkamatay ng isang mahal sa buhay. Nagbibigay kami ng espesyalistang pagpapayo, suporta sa karera at mga oportunidad para sa mga tinedyer at kabataan na makipag-ugnayan sa iba na nasa kaparehong mga sitwasyon.
Naroon ang Camp Quality para sa mga bata (may edad na 0-15 taon) na kumakaharap sa sarili nilang diyagnosis ng kanser, o diyagnosis ng isang kapatid, magulang o tagapag-alaga. Nagbibigay kami ng walang bayad na pagkakataon para sa katuwaan, pakikipagkaibigan at ugnayan, habang nagkakaroon ng pag-unawa sa kanser at masuportang mga komunidad sa pamamagitan ng libangan at edukasyon.
Ang Redkite ay nagbibigay ng pangkabuuang gawaing panlipunan na nasa komunidad sa mga bata at kabataan na may kanser, may edad na 0-17, at ang kanilang mga pamilya. Kabilang dito ang pagpapayo, pagkoordina ng pangangalaga, pinansyal na tulong, impormasyon sa online at suporta, pati na rin ang mga praktikal na mapagkukunan sa oras ng diyagnosis, habang nasa ospital, habang nagpapagamot at hanggang matapos ito.

